MANILA, Philippines- Hiniling ng dalawang senador sa pamahalaan na lutasin kaagad ang sigalot sa itinigil na P200 milyong Makati Subway Project dahil sa sigalot ng Makati City at Taguig City sa territorial dispute.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Alan Peter Cayetano at Ramon Revilla Jr., na dapat magkaroon kaagad ng resolusyon sa sigalot matapos ideklara ng private contractor na hindi na “economically at operationally feasible” ang proyekto dahil sa away ng dalawang lungsod.
Nilinaw ni Cayetano na hindi nakonsulta ang Taguig City sa proyekto pero hindi naman nito tinutulan.
“There has never been a dispute from Taguig’s side. In fact, we were never formally consulted about it to begin with,” aniya.
Nagpahayag din ng pag-aalala si Cayetano kapag hindi natuloy ang proyekto na malaki ang potensiyal na makapagpapaluwag sa sistema ng trapiko sa Metro Manila.
“Taguig has always been open to projects that provide real benefits to the public and this includes the proposed subway,” wika ng senador.
Sinabi ni Cayetano na kanyang inungkat sa opisyal ng Taguig upang matukoy kung may sigalot sa panig ng lungsod.
“It is unfortunate and truly disappointing that the project may no longer push through, especially considering its potential to address long-standing urban mobility challenges,” giit ni Cayetano.
Aniya, bukas ang Lungsod ng Taguig sa alinmang proyekto na magbibigay ng benepisyo sa publiko tulad ng subway.
“Records show that the officials of Taguig and the Cayetano’s do not look at the proponents of projects, but rather the benefits that it brings to the public,” giit ng senador.
“Initiatives like railways and subways that improve mobility and quality of life of the people are aligned with our vision for development. We remain committed to supporting inclusive and lawful progress, and we welcome meaningful collaboration moving forward,” paliwanag ng senador na pawang kabiyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Kamakailan, inihayag ng Philippine Infradev Holdings Inc., pawang private partner ng proyento na hindi na makakamit ang proyekto sanhi ng kawalan ng kasiguruhan sa usaping pinansyal at operasyonal matapos magdesisyon ang Supreme Court na ibinigay ang ilang barangay ng Makati, na pawang bahagi ng subway alignment, sa Taguig.
Sa kanyang viber message sa Senate media, sinabi ni Revilla na pawang “unfortunate” ang pangyayari dahil malaki ang epekto nito sa residente na matagal nang umaasam ng mahusay na mass transportation.
Hinikayat niya ang pamahalaan ng Makati at Taguig na Magkaisa upang sagipin ang proyekto na inilunsad noong 2018 sa ilalim ng isang public-private partnership sa pangunguna ng Makati government.
“At the end of the day, this is a contractual matter between the local government of the City of Makati and its chosen builder. We are hoping for a resolution benefitting the public,” aniya. Ernie Reyes