Home ENTERTAINMENT Dating UMD member, pumanaw na!

Dating UMD member, pumanaw na!

Manila, Philippines- Sumakabilang-buhay na si Norman Santos kamakailan.

Norman Montibon sa tunay na buhay, siya’y dating miyembro ng Universal Motion Dancers na sumikat noong dekada nobenta.

Prolonged kidney disease which necessitated 12 years of hemodialysis ang sanhi ng pagkamatay ni Norman.

He was 52.

Mismong ang karelasyon niyang si Chato Maria ang nag-post ng malungkot na balita sa Facebook.

Posibleng sa February 12 hanggang 16 itatakda ang lamay kay Norman sa St. Peter’s Memorial Chapels sa Tabacuhan, Olongapo City.

Si Norman ang ikalawang UMD member to have passed on.

Nauna si Gerard Faisan who succumbed to asthma noong December 31, 1997.

Nakadalawang pelikula rin ang UMD at the height of its popularity.

llan sa mga miyembro nito’y ang kambal na sina Jim at James Salas, Gerry Oliva, Brian Furlow, Marco McKinley at Wowie de Guzman.

Nag-post na ng kanyang pakikiramay si Wowie.

Utang daw niya kay Norman at sa iba pang dating kagrupo ang kung anuman ang kanyang narating.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikidalamhati sa mga naulila ni Norman Santos. Ronnie Carrasco III