Home HOME BANNER STORY VP Sara sa impeachment: Mas masakit pa maiwan ng kasintahan

VP Sara sa impeachment: Mas masakit pa maiwan ng kasintahan

MANILA, Philippines- Mas masakit pang maiwan ng kasintahan kaysa mapatalsik sa pwesto, ayon kay Vice President Sara Duterte nitong Biyernes.

Bago tapusin ang kanyang press conference, nag-iwan ni Duterte ng Valentine’s Day message na iniugnay niya sa aksyon ng Kamara na sibakin siya sa pwesto.

“Mas masakit pa maiwan ng boyfriend o girlfriend kaysa ma-impeach ka ng House of Representatives,” ani Duterte.

Sa 215 mambabatas na nag-endorso sa reklamo, pinatalsik ng Kamara nitong Miyerkules si Duterte at agad na dinala ang Articles of Impeachment sa Senado, na magsisilbing impeachment court.

Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang impeachment court na maglilitis kay Duterte ay hindi pa nagco-convene. Magsisimula lamang ang impeachment trial kapag nagbalik-sesyon na ang Senado sa Hunyo.

Sa gitna nito, iginiit ni Duterte na hindi siya bababa sa pwesto. RNT/SA