MANILA, Philippines- Patuloy na sinisita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilegal na presensya ng China Coast Guard (CCG) vessel malapit sa baybayin ng Zambales.
Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela nitong Huwebes na ang CCG 3304 ay naispatan 105 hanggang 115 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.
Sa pamamagitan ng radio challenge, sinabi ni Tarriela na sinabihan ng PCG ang Chinese vessel na ang presensya nito ay isang paglabag sa Philippine Zones Act, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at sa 2016 Arbitral Award.
Sinabi ni Tarriela na nanatiling nakabantay ang BRP Teresa Magbanua sa mga sasakyang pandagat ng China sa lugar sa loob ng mahigit isang linggo sa kabila ng mapanghamong kondisyon ng dagat na umaabot sa tatlo hanggang apat na metro ang taas ng alon.
Nauna na ring ipinagtanggol ni Chinese Foreign Ministry spokepserson Guo Jiakun ang presensya ng kanilang barko sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden