MANILA, Philippines – Magsisilbi na rin bilang isa sa tagapagtanggol ni Vice President Sara Duterte sa kinakaharap nitong impeachment complaint ang dating tagapagsalita ng kanyang opisina na si Atty. Michael Poa.
Naghain si Poa ng kanyang entry of appearance sa personal na petisyon ni Duterte para harangin ang kanyang sariling impeachment.
Si Poa na ang pampitong legal counsel ng pangalawang pangulo sa kaso, kasama ang ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte at biyenan na si Lucas Carpio Jr.
Nauna nang iginiit ni Duterte na ang kanyang pang-apat na impeachment complaint ay labag sa itinakda ng Saligang Batas na isang impeachment complaint lamang laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon. TERESA TAVARES