Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, tinatayang 89% ng mga Pilipino ang boboto sa mga kandidato na isusulong ang platapormang job creation upang maresolba ang hamon sa ekonomiya ng bansa.
Tugma ito sa prayoridad ng Trabaho Partylist ang pagpapalakas ng job creation o pagpapalaganap ng trabaho at oportunidad–plataporma na hangad ng mayorya ng Pilipino na isinusulong ng TRABAHO Partylist sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon sa tagapagsalita ng TRABAHO Partylist na si Atty. Mitchell-David Espiritu, isinusulong ng grupo ang mga mahahalagang plataporma na malapit sa puso ng nakararaming Pilipino.
Bukod sa pagpapataas ng sahod, pati na rin non-wage benefits ang isinusulong ng Trabaho Partylist upang mapagbuti at maging disente ang pamumuhay ng Pilipinong manggagawa.
Giit ng TRABAHO Partylist, layon nila mapagaan ang buhay ng mga manggagawa at mapataas ang productivity ng bawat isa upang mapalakas ang ekonomiya. RNT