Home METRO Dalagita pinatay, ibinaon sa DavOr ng amainMETRONATIONWIDETOP STORIES Dalagita pinatay, ibinaon sa DavOr ng amainMarch 4, 2025 09:49 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang 14-anyos na babae na nakabaon sa isang mababaw na hukay.Ito ay matapos iulat na nawawala nang hindi na makauwi mula sa paaralan sa Davao del Norte.Ayon sa mga awtoridad, mismong ang stepfather ng biktima ang suspek sa krimen.Napag-alaman na sinundo pala ang biktima ng amain nito mula sa paaralan kung saan ito nag-aaral bilang Grade 9 student.Dinala umano ng suspek ang biktima sa lugar kung saan din nakita ang bangkay nito sa Barangay Little Panay Panabo City, Davao del Norte.Nasawi ang biktima matapos sakalin ng suspek saka inilibing. Aalamin pa kung ginahasa rin ang biktima.Samantala, agad naman na nahuli ang amaing suspek at inamin na ginawa nga ang krimen. RNT/JGC