Home METRO Davao Occidental inuga ng M-5 na lindol

Davao Occidental inuga ng M-5 na lindol

Isang magnitude 5 na lindol ang tumama sa Davao Occidental noong Miyerkules ng umaga, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang tectonic quake alas-4:51 ng umaga, silangan ng bayan ng Jose Abad Santos, na may lalim na 10 kilometro.

Ipinahayag ng PHIVOLCS na walang inaasahang aftershocks o pinsala kasunod ng pagyanig. RNT