Patuloy sa pagdami ng bilang ng mga grupo ng mangingisda sa bansa ang sumusuporta sa grupo Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP).
Sa pagpapatuloy ng magandang hangarin na bigyan tulong ang lahat ng mangingisda sa bansa at pagnanais mabigyan ng benepjsyo maging mga seafarer ay mabilis lumago ang miyembro at supporters ng PPP.
Kamakailan lang, naimbitahan ang grupo ng PPP ng malaking samahan na Fisherfolks Cluster 6 sa kanilang regular na General Assembly.
“Nakikita namin at ramdam ang nais nila na kaginhawahan at pantay na benepjsyo ang mga mangingisda. Kami ay nag-papasalamat sa kanilang malinis na hangarin,” pahayag ng Cluster 6.
Mistulang isang malaking meeting ang nasabing pagtitipon na ginanap sa Daliao Covered Court, Davao 3rd District.
“Maraming salamat po sa todo-suporta sa adhikain ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) lalo na po sa mga association leaders and members na higpit sa isang libo ang dumalo. Patuloy lang po kami sa aming ginagawa para sa inyong ikabubuti,” pahayag ni Bryan Lim ng grupong PPP. RNT