Home NATIONWIDE DavOcc niyanig ng magnitude 5.6, 5.3 na lindol

DavOcc niyanig ng magnitude 5.6, 5.3 na lindol

1
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental nitong Huwebes, Agosto 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ito ay aftershock ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani noong Hunyo 2026 at magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Davao Occidental.

Ang magnitude 5.6 na lindol ay tumama 16 kilometro kanluran ng Balut Island bandang 5:41 ng umaga. May lalim ito na 15 kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala sa nangyaring lindol.

Samantala, naitala rin ng PHIVOLCS ang magnitude 5.3 na lindol 408 kilometro timog silangan ng Balut Island bandang 12:50 ng madaling araw. May lalim itong 183 kilometro.

Wala ring inaasahang pinsala at aftershock sa lindol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here