MANILA, Philippines – Nagtakda ng dayalogo ang Commission on Elections sa ibat-ibang survey firms sa Huwebes, Pebrero 27 upang plantsahin ang alituntunin kung paano masusubaybayan ang election surveys sa midterm polls.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na magpapadala ito ng imbitasyon sa anim na kilalang survey firm para sa nasabing pulong.
Nilinaw din ni Garcia na kung sino ang mga kailangang magrehistro sa komisyon kapag nagsagawa ng election surveys.
Paliwanag ni Garcia, ang regulasyon ng Comelec patungkol sa surveys ay hindi patungkol at hindi applicable sa mga media entities, religious organization, cause-oriented groups, civic organizations at educational institutions.
Ayon kay Garcia, hindi sila kasama sa kinakailangang magparehistro.
Nanawagan ang Comelec sa media, religious organziations at iba pang stakeholders na banggitin ang kanilang balita na kinomisyon o binayaran para sa survey.
Sinabi ni Garcia na hindi kabilang sa mandatory registration sa komisyon ang “kalsada survey” na isa sa mga informal election surveys.
Sinabi rin ni Garcia na ang pagkabigo na magrehistro ay magiging batayan ng election offense
“This is the biggest attemt of Comelec to regulate surveys,” sabi ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden