MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng pampublikong pagdinig ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – National Capital Region (NCR) sa huling bahagi ng buwang ito.
Sa abiso nitong Huwebes, sinabi ng wage board ng NCR na gaganapin ang pagpupulong sa Philippine Trade Training Center (PTTC) Building sa Pasay City sa Nobyembre 25 at tatalakayin ang panukalang pagsasaayos ng minimum wage para sa mga “kasambahay” sa Metro Manila.
“Notice is hereby given to the public that the Department of Labor and Employment (DOLE) – RTWPB-NCR will conduct a public hearing/consultation on the minimum wage adjustment for domestic workers/kasambahay,” ayon sa abiso.
Kasabay nito, hinimok ng RTWPB-NCR ang mga stakeholder na lumahok sa mga talakayan upang maibahagi ang kanilang mga posisyon sa panukala.
Ang mga hindi makakadalo sa isang araw na kaganapan ay maaaring magsumite ng kani-kanilang position paper mula Nob. 8 hanggang 21.
“They may submit position papers at the 2nd Floor, DY International Building, San Marcelino corner General Malvar Streets, Malate, Manila; or through email address at [email protected],” dagdag pa.
Ang huling wage orders para sa domestic workers sa NCR ay magkakabisa sa Jan. 3, 2024, na nagdala sa kanilang minimum wage sa P6,500. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)