ALAMINOS CITY, Pangasinan – Nalunod ang isang Finnish matapos tumalon sa bangka sa Romulo Island na bahagi ng Hundred Islands National Park sa Barangay Lucap dito noong Agosto 31.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Simo Taneli Tynys, 44, ng Javaskyla, Finland.
Sa imbestigasyon, biglang tumalon ang biktima sa kanilang inuupahang bangka nang dumating sila ng kanyang mga kasama sa lugar upang lumangoy.
Ang biktima ay natagpuang nakalutang ng kanyang kasamang si Dinah Lucero Riel, 38, makalipas ang ilang minuto.
Dinala siya sa baybayin ng mga rescuer para sa paunang lunas ngunit hindi siya tumugon.
Dinala si Tynys sa isang ospital dito kung saan idineklara siyang patay ng doktor. RNT