Home METRO Pagsasara ng Kabihasnan toll plaza binawi ng P’que LGU

Pagsasara ng Kabihasnan toll plaza binawi ng P’que LGU

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang pagpapalawig ng operasyon ng Kabihasnan Toll Plaza sa lungsod.

Ito ang napag-alaman kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez kasunod ng naunang napabalita tungkol sa permanenteng pagsasara ng nabanggit na toll plaza ng Setyembre 3 (Martes).

Sinabi ni Olivarez na ang pagpapalawig ng operasyon ng Kabihasnan Toll Plaza ay bunsod sa panawagan ng mga motorista na halos araw-araw na bumabagtas mula Quirino Avenue patungo ng Coastal Road.

Ayon kay Olivarez, magbibigay na lamang ng panibagong anunsyo ang Cavitex Infrastructure Corporation tungkol sa takdang petsa ng permanenteng pagsasara ng Kabihasnan Toll Plaza.

Sa kasalukuyan ay mananatili pa ring bukas sa mga motorista ang Kabihasnan Toll Plaza at magbayad lamang ng halagang P8.00 na toll fee sa mga dadaan dito imbis na sa alternatibong daraanan ng lahat ng behikulo patungo ng Cavitex gamit ang Cavitex C5 Link Sucat Entry na malapit sa Ninoy Aquino Avenue na medyo may kataasan ang singil na toll fee. James Catapusan