Home TOP STORIES Dayuhang pamumuhunan pwedeng maapektuhan sa pagkakadetine kay Joseph Sy – PCCI

Dayuhang pamumuhunan pwedeng maapektuhan sa pagkakadetine kay Joseph Sy – PCCI

216
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pangamba ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) hinggil sa patuloy na pagkakakulong ni Global Ferronickel Inc. (GFNI) chairman Joseph Sy sa Bureau of Immigration, bagay na anila’y maaaring magdulot ng pangamba sa mga dayuhang nais mamuhunan sa bansa.

Ayon sa PCCI, maaapektuhan umano ang kumpiyansa ng mga foreign investors at maging ang turismo kung magpapatuloy ang ganitong mga insidente na kinasasangkutan ng mga negosyante sa Pilipinas.

Si Sy ay inaresto at ikinulong ng Bureau of Immigration noong Agosto 21 dahil sa alegasyon ng pamemeke ng kanyang pagiging Pilipino. Gayunman, binanggit sa mga ulat na mayroon nang naunang ruling ang Department of Justice (DOJ) na kumikilala sa kanyang pagiging Filipino citizen.

Noong Setyembre 4, 2025, nagpalabas ang Taguig City Regional Trial Court, Branch 271, ng kautusan para sa kanyang agarang pagpapalaya. Sa kabila nito, nananatili pa rin siyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Binigyang-diin ng PCCI na malaki umano ang naging ambag ni Sy sa sektor ng pagmimina, partikular sa pag-eexport ng mga raw materials ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Dagdag pa ng grupo, dapat tiyakin ng mga awtoridad na nasusunod ang rule of law upang hindi magdulot ng negatibong epekto sa pagpasok ng mga bagong mamumuhunan sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here