Home METRO Sepulturero huli sa pangingikil sa magkasintahang estudyante na naaktuhang nagtatalik sa sementeryo

Sepulturero huli sa pangingikil sa magkasintahang estudyante na naaktuhang nagtatalik sa sementeryo

269
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Huli sa akto ang magkasintahang estudyante na umano’y nagtatalik sa loob ng Tuguegarao Public Cemetery sa Barangay Pengue-Ruyu dito sa nasabing Lungsod.

Kinilala ang mga estudyante sa mga alyas na Sara, 29 anyos, 3rd year college, at Ernie, 24 anyos, 2nd year college.

Una rito, lingid sa kanilang kaalaman ay nakuhanan sila ng video ng kahalayan o habang nagtatalik ng isang sepulturero na si alyas Jhun, 27-anyos na resisente sa nasabing lungsod.

Hinintay umano na matapos na makapagparaos ang dalawa bago lumapit ang sepulterero na nakuhanan sila ng video.

Nag-alok ang magkasintahan ng ₱1,000 kapalit ng pagbura, subalit humingi pa ng karagdagang ₱500 si Jhun.

Dahil dito, humingi ng tulong sa opisyal ng barangay ang dalawa.

Sa isinagawang konprontasyon, narekober ng mga opisyal ang video mula sa cellphone ni Jhun, kalakip ang perang tinanggap niya mula sa magkasintahan.

Kinalaunan ay inaresto si Jhun ng pulisya at nakumpiska ang kanyang cellphone at pera.

Nahaharap ang sepulturero ng kaso sa ilalim ng RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at extortion. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here