Home NATIONWIDE DBM: Habambuhay na pagbabawal sa tiwaling contractors sa ilalim ng bagong procurement...

DBM: Habambuhay na pagbabawal sa tiwaling contractors sa ilalim ng bagong procurement law

356
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigpit na pagpapatupad ng habambuhay na pagbabawal (lifetime blacklisting) sa ilalim ng New Government Procurement Act (RA 12009) laban sa mga tiwaling kontraktor, supplier, at consultant ng pamahalaan.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga kumpanyang mapapatunayang lumabag nang tatlong beses dahil sa pandarayang transaksyon, falsification, collusion, o paulit-ulit na paglabag ay tuluyang ipagbabawal sa lahat ng bidding ng gobyerno.

“Sa bisa ng NGPA, tinutupad natin ang adhikain ni Pangulong Marcos na magkaroon ng bukas, inklusibo, at tapat na pamahalaan,” ani Pangandaman.

Bahagi ito ng masusing imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan umano ng mga opisyal at pribadong kontraktor.

Bukod sa habambuhay na pagbabawal, nakapaloob din sa batas ang pansamantalang suspensyon, corrective measures, at dalawang taong blacklisting para sa mabibigat na paglabag.

Layunin ng reporma na wakasan ang “palakasan system” at tiyaking mapupunta lamang sa mga mapagkakatiwalaang partner ang pondo ng bayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here