Home NATIONWIDE DBM naglaan ng P176M para sa inisyatiba ng DOST sa scholarships, health...

DBM naglaan ng P176M para sa inisyatiba ng DOST sa scholarships, health research

MANILA, Philippines- Inaprubahan kamakailan ng Department of Management (DBM) ang bagong pondo para palakasin ang “health research at development initiative” ng Department of Science and Technology’s (DOST).

Sinabi ni Budget Secretary Amenah F. Pangandaman na binigyan na ang DBM ng green light o go signal ang pagpapalabas ng P179.9 billion para sa DOST-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).

Ang pondong ito ayon sa Kalihim ay inilaan para suportahan ang implementasyon ng grants-in-aid program ng DOST-PCHRD.

Ang inilaang budget ay gagamitin para sa research and development, capacity building, financial assistance para sa mga mananaliksik, organisasyon ng mga forum at convention, probisyon ng allowance para sa mga iskolar at iba pang inaalok na suportang pinansyal para sa State Universities and Colleges (SUCs).

“Investing in health research translates to investing in a healthier and more resilient future for our nation. With this additional fund, we help empower our scientists, scholars, and institutions to drive innovation and make a lasting impact on public health,” ayon kay Pangandaman.

Samantala, nagbigay ng go signal ang DBM para sa pagpapalabas ng cash allocations para sa programa noong Pebrero Feb. 13 at 27.

Ang pagpopondo ay bahagi ng kabuuang alokasyon ng P678.512 milyon na inilaan para sa DOST grants-in-aid program.

Matatandaang nauna nang nagpalabas ang departamento ng P25.646 milyon para suportahan ang operasyon ng DOST-PCHRD sa unang quarter ng taon.

Ang DOST-PCHRD ay may total budget na P828.955 milyon na nakabalangkas sa General Appropriations Act para ngayong taon. Kris Jose

Previous article‘Ayuda’ programs ng pamahalaan pinarerebyu sa Palasyo vs korapsyon
Next articleGMA at Tape, maglalabas ng official statement sa TP!