Home ENTERTAINMENT GMA at Tape, maglalabas ng official statement sa TP!

GMA at Tape, maglalabas ng official statement sa TP!

Manila, Philippines- Inaabangan ngayong araw ng Lunes, March 4 ang iri-release na joint statement ng GMA at Tape, Inc.

Ang Tape, Inc. na pag-aari ng mga Jalosjos ang producer ng Tahanang Pinakamasaya.

Nakakaalarma kasi ang turn of events mula nitong Sabado.

Nag-iyakan kasi sina Isko Moreno, Paolo Contis at Buboy Villar, mga pangunahing hosts ng TP, sa nakaraang episode.

Palaisipan sa mga viewers at netizens ang tagpong ‘yon, fueling wild speculations na ‘yun na raw ba ang last episode ng TP?

Nitong Sabado rin ay burado na sa Facebook ang TP as in nag-sign off na ito.

Sinubukan ng isang reporter na malapit kay Paolo na magpadala ng text message.

Ani Paolo, abangan na lang daw ang opisyal na pahayag ng network at ng Tape, Inc.

Maging ang legal counsel na kumakatawan sa Tape, Inc. sa kaso nito sa TVJ na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ay clueless kung ano ang ihahayag ng dalawang partido.

Hindi maiiwasang itanong kung may kinalaman ba ang umano’y P80 million na pagkakautang ng Tape, Inc. sa GMA?

Senyales ba ito na sisibakin o sinibak na nga ito sa ere?

If so, paano na ang supposed contract ng Tape, Inc. sa GMA na effective hanggang December pa this year?

May tsismis pa na puro replay daw muna ang ieere ng TP.

Ano kaya ang epekto nito sa lt’s Showtime na umeere sa GTV?

Ito kaya ang ipapalit sa babakantehing time slot ng TP?

Ang lahat ng mga katanungang ‘yan, abangan ngayong Lunes!

Samantala, angkop ba ang kasabihang “He who laughs last laughs best” sa kaso ng TVJ at buong Dabarkads? Ronnie Carrasco III

Previous articleDBM naglaan ng P176M para sa inisyatiba ng DOST sa scholarships, health research
Next articlePilipinas susuportahan ng US sa laban vs HIV/AIDS – official