MANILA, Philippines- Nagpaabot ng mensahe ng pagkakaisa ang Department of Budget and Managment (DBM) ngayong araw ng Eid’l Fitr.
Sinabi ni DMW Secretary Amenah Pangandaman, kasabay ng mainit na pagbati sa okasyong ito, na ang Eid ay paalala sa walang hanggang pagmamahal at habag kung saan ang kabutihan ay umaabot nang higit pa sa nakikita.
Aniya, ang pagkakaisa ay nagbibigay ng natatanging lakas sa bawat isa.
Hinimok din ni Sec. Pangandaman ang lahat na ipagpatuloy ang diwa ng Ramadan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at pagpapatibay ng isang mas inklusibo at progresibong bansa.
Aniya, ang bawat Muslim ay haligi ng tibay at malasakit, na may mahalagang papel sa paghubog ng isang lipunang may respeto at pagkakaisa. Jocelyn Tabangcura-Domenden