Home METRO 19 insidente ng pamamaril naitala sa Abra

19 insidente ng pamamaril naitala sa Abra

231
0

BANGUED, Abra- Nakapagtala ng 19 insidente ng pamamaril sa unang bahagi ng taong 2025 sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Abra.

Ayon kay PLtCol. Daniel Pel-ey, tagapagsalita ng Abra Police Provincial Office o APPO, mayroong 18 shooting inicidents ang naitala simula nitong buwan ng Enero ngunit may isang insidente ng pamamaril ang biglang humabol nitong gabi lamang ng Miyerkules.

Batay sa pinakahuling datos ng pulisya, isang 42-anyos ang biktima na binaril-patay habang natutulog sa kanilang bahay kasama ang kanyang live-in partner sa Brgy. San Antonio, Bangued, Abra.

Ayon sa kinakasama ng biktima, nagising lamang ito nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at nang tingnan ang kanyang partner ay naliligo na ito sa sariling dugo na umaagos mula sa kanyang ulo.

Sa mga nakalipas namang araw, bago ang naitalang pamamaril sa 42-anyos na lalaki ay dalawang magkasunod na insidente pa ang naitala kung saan isang 59-anyos naman na lalaki ang binaril habang bumabaybay patungo sa bahagi ng Zone 3 Poblacion, sunod ang isang guro at dentista na pinagbabaril din na nauwi sa kanilang kamatayan sa isang coffee shop sa parte naman ng Zone 6.

Kaugnay nito, inamin ni PLtCol. Pel-ey na ang Abra Police ay nakaramdam ng pagka-low morale ngunit magsisilbi anya itong isang hamon upang palakasin ang kaligtasan ng publiko.

Nagdagdag na rin ang Police Regional Office ng pulis para matulungan ang mga awtoridad na panatilihing ligtas ang publiko, partikular sa bayan ng Bangued lalo ngayong nag-umpisa na ang local campaign period. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here