Home NATIONWIDE Paggamit ng kanta para sa campaign jingle nang walang permiso pwedeng ireklamo...

Paggamit ng kanta para sa campaign jingle nang walang permiso pwedeng ireklamo sa Comelec

MANILA, Philippines- Inihirit ni Comelec Chairman George Garcia na maghain ng reklamo sa mga gumagamit ng campaign jingle nang walang permiso mula sa may-ari, upang maging basehan ng kanilang aksyon.

Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng social media post ng isang banda na nagsasabing maraming gumagamit ng kanilang kanta sa kampanya nang walang consent mula sa kanila o hindi nagpapaalam.

“Sana po may formal na complaint na maihain sa atin ang banda. Maging basehan ng action namin,” sinabi ni Garcia nang hingan ng pahayag ng mga mamahayag.

Matatandaang lumagda ng kasunduan ang COMELEC at ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na layong masiguro na mabibigyan ng respeto ng mga kandidato ang intellectual property rights sa panahon ng kampanya.

Ang naturang banda ay ang Lola Amour kugn saan binigyang-diin na hindi sila mag-eendorso ng kandidato kung wala silang tiwala o hindi nila alam ang mga plataporma. Jocelyn Tabangcura-Domenden