Home NATIONWIDE DBM sa gov’t leaders: Economic target, sikaping abutin!

DBM sa gov’t leaders: Economic target, sikaping abutin!

MANILA, Philippines – TINITINGAN ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na abutin ang economic target sa gitna ng lahat ng hamon sa pamamagitan ng manatili sa landas upang maisakatuparan ang mga pangangailangan at aspirasyon ng mga filipino.

Sa pagsasalita ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, araw ng Biyernes sa 2025 Budget Execution Forum sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng Kalihim na ang pangkalahatang layunin ng administrasyon para sa 2025 national budget ay para maisakatuparan ang pangangailangan at aspirasyon ng mga mamamayan.

“Under our agenda for prosperity, we need to reach our economic targets of 6 to 8 percent GDP (gross domestic product) growth, bring down our deficit-to-GDP to 5.3 percent from 5.7 percent in 2024, achieve upper middle-income status and bring down the poverty levels into single digits,” ang sinabi ni Pangandaman sa pulong.

“Amidst all the challenges, let us stay on track towards an inclusive and sustainable economic transformation,” aniya pa rin.

Binigyang diin sa pagpupulong ngayong araw ng Biyernes, Enero 24, ang kahalagahan na gawin ang aspirasyon ng administrasyon na isang konkretong aksyon.

Binigyang diin ang mahalagang papel ng ‘budgeting’ at tiyakin ang episyente at epektibong paghahatid ng public service sa mga tao.

“As mentioned by our Executive Secretary, this is a matter we must not take lightly. I hope that by the end of today’s session, we will have a deeper understanding of the budget process and more importantly the key terminologies enabling us to guide the public more effectively and responsibly,” ang sinabi ng Kalihim.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang 24th NEDA Board Meeting na may ‘full attendance’, araw ng Huwebes, Enero 23, sa Palasyo ng Malakanyang para pag-usapan ang PDR 2024.

Binigyang diin sa PDR 2024 ang progreso ng pagsusulong sa “economic transformation at paglago, tiyakin ang food at water security, mamuhunan sa social development, protektahan ang integridad ng kapaligiran tungo sa isang climate-resilient nation, tiyakin ang kapayapaan at kaayusan at national security, at isulong ang ‘digital transformation at good governance’ tungo sa inklusibong pag-unlad. Kris Jose