MANILA, Philippines – Nanawagan ang Mamamayang Liberal (ML) Partylist at Akbayan Partylist, nitong Biyernes, na bumalik sa bansa ang dating kinatawan na si Zaldy Co at manumpa sa kanyang mga alegasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa iba pang opisyal ng gobyerno hinggil sa umano’y pagkakasangkot sa malawakang katiwalian.
Sa isang pahayag, hinimok ni ML Partylist representative at House Deputy Minority Leader Leila de Lima si Co na makipagtulungan sa mga imbestigasyon at manumpa sa kanyang mga pahayag.
“We urge former Rep. Zaldy Co to return to the country and fully cooperate with the ongoing investigation into the anomalous flood control and other infrastructure projects. He should take an oath and tell the whole truth before the proper forum,” aniya.
Sa isang hiwalay na pahayag, idiniin naman ng Akbayan Party-list ang mga pahayag ni de Lima at nanawagan ng agarang aksyon mula sa Ombudsman.
“Moving forward, Akbayan Party will pursue this struggle with the people, following the evidence wherever it leads us. We will remain guided by truth, justice, accountability, and, above all, democracy. We will not allow this fight to be hijacked, derailed, or used as a shield by corrupt and undemocratic forces,” ayon sa Akbayan.
Sumunod ang mga pahayag matapos maglabas si Co ng video nitong Biyernes na nagsasabing ang Pangulo, dating House Speaker na si Martin Romualdez, at ilang iba pang miyembro ng Gabinete ay nag-orkestra ng P100 bilyong halaga ng mga insertion sa ilalim ng pambansang badyet.
Sinabi ng Malacañang na ang mga akusasyong ito ay puro sabi-sabi at ang mga pagtatangka ni Co na iwasan ang pananagutan. RNT/MND