Home NATIONWIDE Dizon nagduda sa mga alegasyon ni Co kay PBBM

Dizon nagduda sa mga alegasyon ni Co kay PBBM

281
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagdududa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa mga alegasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Kung involved ka, bakit ikaw mismo magpapasabog? Bakit mo gagawin lahat ng ito? Bakit mo ibubuo ang isang independent commission?” saad ni Dizon.

Nauna rito, naglabas si Co ng video sa mga mamamahayag na nagsasaad na sina Marcos, Romualdez, at ilang miyembro ng Gabinete ay nag-orkestra ng P100 bilyong halaga ng insertions para sa pambansang badyet.

“Tinawagan ko po si dating Speaker Martin Romualdez at nireport ko ang instructions ng Presidente to insert the P100 billion projects. At sinabi niya (Romualdez) sa akin, what the President wants, he gets,” saad ni Co sa isang video.

Bilang tugon, sinabi ng Palasyo ng Malacañang na ang mga akusasyon ay “pure hearsay” na walang batayan o katotohanan.

”Dahil lumiliit na ang mundo ni Zaldy Co, kailangan niyang umiwas at iiwas ang sarili at mag-name drop kahit walang katibayan at laway lang ang puhunan,” ani Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.

”Para masagip ang sarili sa paratang ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at mapalitaw na siya ang biktima, siya ay magtatahi ng maling kwento laban sa ibang tao,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here