Home HEALTH Deadly H7N9 bird flu outbreak naitala sa Amerika

Deadly H7N9 bird flu outbreak naitala sa Amerika

MANILA, Philippines – Iniulat ng U.S. ang unang pagkalat ng nakamamatay na H7N9 bird flu sa isang poultry farm mula noong 2017.

Natukoy ang virus sa isang kawan ng 47,654 manok sa Noxubee, Mississippi, ayon sa World Animal Health Organization. Sinimulan na ang pagpatay sa apektadong mga manok, habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad.

Matinding tinamaan ng avian influenza ang mga poultry farm sa buong mundo, dahilan ng pagtaas ng presyo ng pagkain at pangamba sa panibagong pandemya.

Ang H5N1 strain ang naging pinakapanira sa mga nagdaang taon, na nagdulot ng impeksyon at pagkamatay ng tao. Ngunit mas nakamamatay ang H7N9, na may halos 40% fatality rate sa mga naitalang kaso simula noong 2013, ayon sa World Health Organization.

Nagpapatupad ang mga awtoridad sa U.S. ng mas pinaigting na pagbabantay upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus. RNT