Home METRO Deaf-friendly court pinasinayaan ng SC

Deaf-friendly court pinasinayaan ng SC

MANILA, Philippines- Pinasinayaan ng Supreme Court (SC) ang bagong courtrooms ng Regional Trial Court (RTC) sa Bacoor City, Cavite kabilang ang kauna-unahang “deaf-friendly” na courtroom.

Pinangunahan ni SC Associate Justices Rodil Zalameda at Jose Midas Marquez ang inaugurasyon ng mga bagong courtrooms sa Branches 114 hanggang 119.

Ang Branch 115 ni Judge Charisma I. Nolasco, ang unang “deaf-friendly” court.

Nabatid na ang staff mismo ng Branch 115 ay nag-aral pa ng basic sign language para makipag-communicate sa deaf litigants.

Binigyan-diin ni Zalameda na ang ginanap na inagurasyon ay pagpapakita ng nag-iisang pananaw ng patas at mabisa na justice system.

“Accessibility ensures that justice is truly available. Having the proper facility for our trial court improves court efficiency and prevents delayed proceedings… Greater efficiency means better service to our people,” ani Zalameda.

Kabilang dito aniya ang pagtiyak na may access sa korte ang persons with disability. Teresa Tavares