Home NATIONWIDE 7 CA justices inireklamo sa SC

7 CA justices inireklamo sa SC

MANILA, Philippines- Inireklamo ng Office of the Ombudsman sa Judicial Integrity Board ng Supreme Court (SC) ang pitong associate justices ng Court of Appeals (CA).

Ang mga sinampahan ng mga reklamo ay sina CA Associate Justices Louis Acosta, Marlene Gonzales-Sison, Rex Bernardo-Pascual, Mary Charlene Hernandez-Azura, Roberto Quiroz, Rafael Antonio Santos at Ferdinand Baylon.

Nakasaad sa reklamo na hindi umano sinunod ng mga CA Justices ang batas sa naging pasya nito sa apela ng ilang napatawan ng preventive suspension ng Ombudsman.

Sa halip umano na certified true copy ng preventive suspension order ang maisama sa petition for certiorari, photocopies lamang ang isinumite ng mga petitioner.

Sa kabila nito, kinatigan anila ng CA ang mga petitioner at naglabas ng temporary restraining order laban sa preventive suspension order ng Ombudsman.

Giit ni Ombudsman Samuel Martires, nagkaroon ng gross ignorance of the law at conduct prejudicial to the best interest of the service sa panig ng CA. Teresa Tavares