Home NATIONWIDE Magastos na tobacco control meeting pinakokonsidera sa WHO

Magastos na tobacco control meeting pinakokonsidera sa WHO

NAHAHARAP ang World Health Organization sa panawagan na muling isaalang-alang ang magastos na 11th Conference of the Partiesto the Framework Convention on Tobacco Control bunsod ng ‘funding constraints’ at alalahanin hinggil sa mga prayoridad nito, ayon sa harm reduction advocates.

Sinabi ng harm reduction advocates gaya ng Coalition of Asia Pacific Tobacco Harm Reduction Advocatesna dapat na i-redirect ng WHO ang resources mula sa magastos na November 2025 meeting sa Geneva sa pagtugon sa mas kinakailangang global health crises sa halip na banatan ang tobacco harm reduction.

Tinukoy ng mga ito ang pagdepende ng organisasyon sa private funding, partikular na sa Bloomberg Philanthropies, at pagkalas ng major donors gaya ng Estados Unidos bilang dahilan para sa pagbabago ng pagtutuunan ng pansin.

Sinabi pa rin ng mga ito na ang pagtutok ng WHO sa tobacco control ang dahilan kung bakit nalihis ang pondo mula sa mandato na i-promote ang kalusugan at kaligtasan at tulungan ang mahihina.

Sa COP11, naka-iskedyul sa Nov. 17 hanggang 22, 2025 sa Geneva International Conference Centre sa Switzerland, ay inaasahang gagastos ang WHO ng milyon-milyong dolyar.

Sinasabing inalis na ng Estados Unidos ang WHO membership nito, tinukoy ang paghawak ng organisasyon sa COVID-19 pandemic, na nagmula sa Wuhan, China, at iba pang krisis sa pandaigdigang kalusugan, kabiguan na mag-adopt ng reporma at kawalan nito ng kakayahan na ipamalas ang independensiya o kalayaan mula sa political influence.

Nahaharap ang WHO sa hirap sa pananalapi kasunod ng pagkalas ng Estados Unidos habang ang ibang donor ay nagbawas ng kanilang kontribusyon.

Dahil dito, maaari nitong pahintulutan ang mga private donor na paigtingin ang kanilang impluwensya sa WHO at mga bansa na tanggap ang mga ‘health policy’ nito.

Para sa mga kritiko, ang paninindigan ng FCTC sa tobacco harm reduction ay “overly dismissive”, binabalewala ang siyentipikong ebidensya na sumusuporta sa ‘less harmful nicotine alternatives.’

Taong 2021, nagdaos ang Philippine House Committee on Good Government and Public Accountability ng pagdinig hinggil sa regulasyon ng e-cigarettes at heated tobacco products at natuklasan na ang Food and Drug Administration ay nakatanggap ng grants mula sa Bloomberg Philanthropies para suportahan ang policy development.

Ang pagsisiyasat ay pinalawig sa WHO FCTC, na nahaharap sa kahalintulad na kritisismo patungkol sa political influence ng special interest groups na may ebidensya ng pakikialam sa mga patakaran sa loob ng bansa ng Pilipinas, India, Pakistan at Vietnam.

Ang pagkalas ng Estados Unidos ang nag-udyok din sa mga bansa kabilang na ang Italy, Argentina at Hungary na muling isaalang-alang ang kanilang pagsapi kasama ang ‘ global health body.’

Samantala, sinabi ni Former Rep. Jericho Nograles na sinubukan ng foreign private organizations na impluwensiahan ang national policy ng Pilipinas sa pamamagitan ng grants sa mga ahensya ng gobyerno, na kanyang tinawag na “attack” sa soberanya ng bansa. Kris Jose