Home TOP STORIES Institutional Healthcare System sa bansa isinusulong ng Pamilya Ko

Institutional Healthcare System sa bansa isinusulong ng Pamilya Ko

MANILA, Philippines – “Ang ipinapangako namin yung kaya lang naming gawin “.

Ito ang tinuran ni Atty Anel Diaz, first nominee ng Pamilya Ko Partylist, sa kanilang house to house campaign sa General Trias Cavite.

Nilinaw ni Atty. Diaz na may sapat silang karanasan at kakayahan upang maisakatupran ang kanilang campaign programs dahil sa kanilang outreach programs sa ilalim ng PAMILYA KO FOUNDATION sa nakalipas na ilang taon .

Ayon pa kay Atty. Diaz, mga nasa kategoryang LOVABLES na lahat ng bumubuo sa modernong pamilyang Filipino ay karapatdatpat na minamahal ;
Live in partners , OFWs families, victims at survivors of domestic abused , adopted families, Blended families, Extended at Elderly, at panghuli S ay single or solo parent.

“Along that line mayroon kaming tatlong priorities. Lahat ng ating programs at priority bills ang konsepto niyan ay nanggagaling yan sa pagkapantay-pantay”, sabi pa ni Atty Diaz.

“Kasama sa priorities ang : Pagkapantay pantay ng karapatan ng mga anak, alisin na distinction, ayon sa Supreme Court there is nothing illegal if you are born outside marital relationship; Magbigay ng karapatan sa domestic partnership,
live in partners, karapatan na makapagbigay desisyong medical; at magsusulong ng isang legal framework para sa surrogacy dahil wala tayong batas dito para dyan at nabibiktima sila, naaabuso, o naeexploit ” , paglilinaw ni Atty Diaz na eksperto sa batas sa loob ng mahigit dalawang dekada, idagdag pa ang pagiging bar topnotcher.

“Passionate kami we had opportunity to conduct medical mission, maraming Hindi nagpapacheck up dahil sa gastos,, kaya kami gusto naming isusulong ng Pamilya Ko Party List ang pagkakaroon ng institutionalized healthcare system sa bansa upang masiguro at matiyak ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilyang Filipino lalo na ang ating mga senior ctizen.

Ang pahayag ay ginawa ni Pamilya Ko Party List Nominee Atty. Anel Diaz matapos ang kanyang pag-iikot sa mga kababayan natin sa General Trias, Cavite.

Ayon kay Diaz mahalagang matutukan ang sektor ng kalusugan ng ating bansa para sa bawat pamilyang Filiino

Tinukoy ni Diaz na kanilang mga isinagawang medical mission na kanilang napag-alaman na ay natatakot magpatingin ang isang indibidwal dahil sa kakulangan ng salapi kaya yung iba ay natitingnan na lamang ng doktor kung mayroon nang sakit o nararamdaman;
Na sa huli aniya ay malala na ang karamdaman o sakit ng isang miyembro ng isang Pamilyang Filipino hindi dahil sa natakot malaman ang sakit kundi sa kawalan ng kakayahang magpatingin sa isang doktor .

Dahil dito sinabi ni Atty Diaz na kanilang isusulong ang tinatawag na institutionalize healthcare regular periodic diagnostic and regular check up para sa bawat miyembro ng pamilyang Filipino lalo na ang mga senior citizen.

Kaugnay nito tiniyak pa ni Diaz na kanilang ipaglalaban at isusulong ang karapatan at nararapat na benepisyo ng bawat pamilyang Filipino sa sandaling bigyan sila ng pagkakataon maluklok sa Kongreso dahil lahat na bawat isa Filipino anumang tribu ang pinanggalingan at probinsya ay bahagi ng isang pamilya.

Ayon kay Diaz, anumang estado sa buhay ng isang tao, may kapansanan man o wala, bata man o matanda ay pawang galing o bahagi ng isang pamilya.

Kung kaya’t mahalagang mabigyan ng proteksyon ang karapatan at benepisyo ng bawat mamamayang Filipino na nanggaling at bahagi ng isang pamilya. Dave Baluyot