Home METRO Top 8 MWP nalambat sa Pasay

Top 8 MWP nalambat sa Pasay

MANILA, Philippines- Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police ang top 8 most wanted person (MWP) nitong Huwebes ng umaga, Marso 20.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Mar, 23, walang trabaho, residente ng Pildera 1, Barangay 192, Pasay City.

Base sa report na natanggap ni De Sesto, naganap ang pagdakip kay alyas Mar bandang alas-10:45 ng umaga sa Barangay 192, Pasay City.

Ayon kay De Sesto, si alyas Mar na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o ang R.A. 9165 ay inaresto ng mga miyembro ng WSS na pinamumunuan ni PCPT Roque S. Villaruel Jr. sa bisa ng isinilbing warrant of arrest na inisyu nitong Marso 4, 2025 ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Rowena Nieves Adena Tan ng Branch 118.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Pasay City police habang naghihintay ng commitment order na manggagaling sa korte na mag-uutos sa paglipat ng pagkukulungan ng suspek sa Pasay City jail. James I. Catapusan