Personal na binisita ng TRABAHO Partylist nominees ang mga residente ng Brgy. Manggahan at Brgy. Santolan, Pasig City sa noong March 15, 2025.
Kita sa mga larawan sa Facebook post ng TRABAHO, 106 sa balota, na mismong ang mga nominees na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez ang nagmamano at nakikipagkumustahan sa mga Pasigueño sa tapat ng kanilang mga bahay at tindahan.







