Home HOME BANNER STORY Dedo sa Binaliw landslide, umakyat na sa 13

Dedo sa Binaliw landslide, umakyat na sa 13

220
0
📷 Nestor Archival

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, habang 23 manggagawa pa ang nawawala.

Base sa pinakahuling impormasyon, kabilang sa mga huling nasawi ang isang 50-anyos na babae na narekober mula sa mga guho.

Extra-ingat ang mga rescuer sa search and rescue operations dahil sa hindi matatag na kondisyon ng bunton ng basura.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Cebu City Fire Station spokesperson SFO3 Wendell Villanueva, ititigil muna ang operasyon kapag umulan.

Ipinagbabawal ang pagpasok sa ground zero ng mga kaanak ng nawawalang manggagawa at ng media.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, nananatili sa search and rescue stage ang operasyon.

Patuloy namang naghihintay malapit sa lugar ang mga kaanak ng mga nawawala, umaasang masilayan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Wala pang pahayag ang Prime Integrated Waste Solutions, Inc., operator ng landfill, ngunit sinabi ni Cebu City Mayor Nestor Archival na nangako ang pamunuan ng kumpanya na tutugunan ang pinansyal na pangangailangan ng mga manggagawa.

Nagdeklara na rin ng state of calamity ang Cebu City Council, habang ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau ang mangunguna sa imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here