Home NATIONWIDE Dedo sa MV Trisha Kerstin tragedy, umakyat na sa 64

Dedo sa MV Trisha Kerstin tragedy, umakyat na sa 64

170
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 64 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan noong Enero 19.

Ito ay matapos na makarekober pa ng dalawang labi sa nasabing trahedya.

Nanatili naman sa 293 ang nakaligtas at 15 indibidwal pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga diver ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nagpapatuloy na search and rescue at dive operations.

Binigyang-diin ng PCG na ang bilang ay mula sa pinagsama-samang datos mula sa PNP-SOCO, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Coast Guard District Southwestern Mindanao, at mga apektadong pamilya na nakikipag-ugnayan sa mga otoridad.

Hindi naman tumitigil ang PCG technical team sa paghahanap sa mga nawawala pang biktima habang umaasa ang kanilang mga pamilya na sila ay matatagpuan at makakauwi pa, kahit wala na silang buhay.

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here