Home NATIONWIDE Defense and security, maritime issues at economy, pangunahing agenda sa pagpupulong nina...

Defense and security, maritime issues at economy, pangunahing agenda sa pagpupulong nina PBBM at PM ng Japan — DFA

73
0

MANILA, Philippines – Ang isyu ng depensa at seguridad, usaping pandagat, enerhiya, at ekonomiya ang ilan lamang sa mga pangunahing agenda ng pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa Japan ngayong linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Aalis si Pangulong Marcos kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos patungong Japan sa Martes para sa isang State Visit mula Mayo 26 hanggang 29 sa paanyaya ng pamahalaan ng Japan, ayon kay DFA Spokesperson Analyn Ratonel sa isang press briefing sa Malacañang.

“Napakahalaga po ng biyaheng ito sapagkat ito ang pagkakataon para makapag-usap si Pangulong Marcos at Prime Minister Sanae Takaichi tungkol sa kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa larangan ng seguridad, maritime and defense, ekonomiya, energy resilience and decarbonization, at emerging and future-oriented sectors,” saad ni Ratonel.

“Inaasahan din na mag-uusap sina Pangulong Marcos at Prime Minister Takaichi tungkol sa mga regional and global issues na nakakaapekto sa Pilipinas at Japan gaya ng ASEAN at challenges sa Indo-Pacific Region at developments in the Middle East.”

Magkakaroon ng summit meeting ang Pangulo at si Prime Minister Takaichi kung saan inaasahang tatalakayin ng dalawang lider and kooperasyon ng Pilipinas at Japan, kabilang ang posibleng bagong kasunduan sa depensa, kalakalan, pamumuhunan, at human resources.

“Naka-schedule din ang Pangulo to meet with Japanese business groups and members of the Filipino Community in Japan,” dagdag ni Ratonel.

Sina Pangulong Marcos at First Lady ay sasalubungin ng Emperor at Empress ng Japan sa Imperial Palace para sa isang welcome ceremony at state call, na susundan ng state banquet bilang parangal sa Pangulo at First Lady.

Sa kanilang pagpupulong, magkakaroon din ng exchange of decorations.

Ngayong taon, ginugunita ng Pilipinas at Japan ang ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here