Dumalo ang mga kapatid na Muslim sa kanilang regular na pagsamba o pagdarasal sa Golden Mosque sa Quiapo, Manila nitong Mayo 25, 2026.
Inaasahang magtitipon-tipon ang libu-libong Muslim mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa mga lugar kung saan sila magsasagawa ng sabay-sabay na pagdarasal.
Idineklara ni Pangulong Marcos ang Miyerkules, Mayo 27, 2026, bilang isang regular holiday sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha, na kilala rin bilang Pista ng Sakripisyo. ERIC OCAPAN