MANILA, Philippines – Kinondena ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang Kalihim ng Depensa ng Pilipinas na si Gilberto Teodoro Jr.
”We firmly oppose and strongly condemn such statement which is nothing but unjust accusation filled with ideological bias and based on bloc confrontation and the Cold War mentality,” anang Tsina.
Ang batikos ay kasunod ng pag-anunsyo ni Philippine Army chief Lieutenant General Roy Galido ng mga planong makuha ang missile system para protektahan ang maritime interests.
Ipinagtanggol ni Teodoro ang hakbang na ito bilang lehitimo, habang pinupuna ang mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea at umano’y mga paglabag sa karapatang pantao.
“The deployment of US mid-range missile assets to the Philippines in the context of joint exercises are completely legitimate, legal, and beyond reproach,” ayon sa Tsina.
Hinimok ng China ang Pilipinas na muling isaalang-alang ang missile system, na naglalarawan dito bilang destabilizing sa rehiyonal na kapayapaan.
Ang US-made Typhon system ay isang mid-range missile platform na may kakayahang maglunsad ng Standard SM-6 at Tomahawk missiles. Wala pa ring tugon ang Malacañang o ang Department of National Defense sa isyu. RNT