Home NATIONWIDE Defense issues, security cooperation tinalakay ng PH, Malaysia

Defense issues, security cooperation tinalakay ng PH, Malaysia

MANILA, Philippines- Pinag-usapan ng Pilipinas at Malaysia ang mahahalagang defense issues at mas maigting na security cooperation sa sidelines ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) Retreat sa Penang.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of National Defense (DND) na nakipagpulong si Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kay Malaysian Defense Minister Mohamed Khaled Nordin, araw ng Miyerkules.

“During their discussions, both officials reaffirmed their commitment to bolstering defense relations, particularly in maritime security, counter-terrorism efforts, and capacity-building programs,” ang sinabi ng DND.

“They also welcomed cooperation in human capital development, particularly in cybersecurity, to strengthen resilience against malign influence and interference,” dagdag na wika nito.

Sa kabila ng territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, sinabi ni Teodoro na ang dalawang bansa ay kapit-bisig na nagtatrabaho “diplomatically at constructively” upang mapag-usapan din nila ang ibang mahahalagang usapin.

Matatandaang November 2024, inalmahan ng Malaysia ang bagong maritime laws ng Pilipinas dahil sa ‘overlapping claims’ sa South China Sea.

Para kay Teodoro, dapat na palakasin ng ASEAN member-states ang kanilang ugnayan upang masiguro ang ‘regional security at stability.’

Tinukoy ni Teodoro ang kahalagahan ng pag-upgrade sa indibidwal at kolektibong humanitarian assistance and disaster response (HADR) capabilities and capacities ng ASEAN.

Pinasalamatan din nito ang Malaysian government para sa pagtugon sa panawagan ng tulong ng Pilipinas sa panahon na anim na bagyo na tumama sa bansa noong nakaraang taon.

Pinuri naman ni Khaled Nordin ang naging talumpati ni Teodoro sa ADMM Retreat na ang ASEAN ay dapat na manatiling nagkakaisa at matatag ang commitment sa “independence at strategic autonomy” nito.

“Both officials agreed on the importance of ASEAN nations supporting one another and expressed their commitment to exploring more opportunities for collaboration in the future,” ang sinabi ng DND. Kris Jose