Home HOME BANNER STORY Deklarasyon ng ‘drug war’ tinabla ni PNP chief Marbil

Deklarasyon ng ‘drug war’ tinabla ni PNP chief Marbil

MANILA, Philippines- Hindi kailangang magdeklara ng drug war sa bansa, ayon kay bagong Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil nitong Martes.

“Wala po kaming giyera dito e… It’s more of talaga kung paano natin ibaba yung crimes natin based doon sa mga parameters natin,” pahayag ni Marbil sa isang press briefing.

“I don’t want to say na may drug war. It connotes parang giyera na naman kami. Ito lang talaga yung requirement. Ito dapat yung ma-solve mo. We go for 100% drug-less community,” dagdag niya.

“Hindi lang po ako ang Chief PNP na nagsabi niyan. Lahat po kami iyan po ang trabaho namin. There is no need for us to declare a drug war,” patuloy niya.

Nang tanungin ukol sa deklarasyon ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ng giyera kontra ilegal na droga sa kanyang lugar noong nakaraang lingo, sinabi ni Marbil:

“Again, during my speech, I need accountability and transparency on the part of the policemen. ‘Yun na po yung speech ko, accountability and transparency sa bawat police operation po namin,” wika ni Marbil.

“Ano ang pinakamaraming drugs sa bawat regions so ito yung expectations niyo. Kung mas maraming drugs sa’yo then we expect from you na ganito karami ang huhulihin mo. Hindi na kagaya ng paramihan ng huli,” dagdag ng opisyal.

Samantala, sinabi pa ni Marbil na dapat laging maaga pa lamang ay handa nang umasisti ang kapulisan sa mga kliyente at kailangang paiksiin ang flag raising ceremonies at mga parada.

“Number 1 talaga is always public service. Early in the morning, we don’t spend so much time doon mga parada at flag raising. Before 8 o’clock, dapat we are ready to accept all our clients,” giit niya.

“Doon tayo nagugustuhan ng tao. Kung mas maaga and lahat ng problema nila naso-solve natin as early as possible. And I think it is the best way for the PNP to move,” dagdag ni Marbil.

Pinangunahan ni Marbil ang una niyang command conference bilang PNP chief sa Camp Crame, Quezon City nitong Martes kung saan siya nagbigay ng direktiba sa mga pulis.

Ipagbabawal din umano ang paggamit ng mga pulis ng kanilang cellphone sa kasagsagan ng kanilang duty at pagpapatrolya.

“Ito ‘yung ginagawa namin sa Region 8 and this is my first and last warning: No cellphone during duties and patrols. Kapag nahuli ka namin with cellphone, there will be no forgiveness. Very strict kami dyan,” aniya.

Saklaw umano ng restriksyon ang recreational activities tulad ng panonood ng videos at pag-scroll sa Facebook.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Marbil nitong Lunes bilang bagong PNP chief, na humalili kay Benjamin Acorda Jr. na nagretiro na sa serbisyo. RNT/SA

Previous articleDOH sa mga iskul: Sa gitna ng mainit na panahon, kondisyon ng mga mag-aaral isaalang-alang
Next articleBabala ni Teodoro: Isyu sa WPS inililigaw ng Tsina