ILOCOS SUR-Tigok ang isang 18-anyos na delivery boy matapos magbigti sa bayan ng San Juan ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 7.
Ayon sa ina ng biktima, bandang 11:45 ng gabi noong Oktubre 6 ay nakita niyang busy pa rin ang kanyang anak sa kanyang selpon kaya sinabihan niya itong matulog na.
Pagsapit ng alas-4:00 ng umaga ng October 7, pinuntahan niya ang kuwarto ng kanyang anak para sabihan na hinaan ang volume ng kanyang tugtog ngunit nabigla siya nang makitang nakabitin ang anak.
Sa selpon ng biktima ay nakita ng nanay nito sa Messenger ang usapan ng kanyang anak at ang hinihinalang girlfriend nito.
Bago ginawa ng biktima ang pagpapakamatay ay nagmessage pa umano siya sa kanyang hinihinalang dyowa na magpapakamatay siya. Rolando S. Gamoso