MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) noong Lunes ang vaccination campaign sa pampublikong paaralan.
Kinilala naman ni Education secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang hamon ng pagtanggi ng mga tao na mabakunahan lalo na matapos ang kontrobersya sa Dengvaxia.
Sinimulan ni Angara kasama si Health Secretary Teodoro Herbosa ang revival ng school-based immunization program ng gobyerno, “Bakuna Eskwela,” sa Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Manila.
Ang kampanya ay sinimulan sa piling public schools sa ilang probinsya hanggang Nobyembre bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na malakadin ang immunization rates sa buong bansa laban sa vaccine-preventable diseases.
Nakatuon ang Bakuna Eskwela sa tigdas, rubella,tetanus, diphtheria at human papillomavirus.
Gayunpaman, umaasa si Angara at Herbosa na ang bagong immunization drive ay magtagumpay sa vaccine hesitancy. Jocelyn Tabangcura-Domenden