SOUTH KOREA – Umaasa ang NewJeans member na si Hanni na maikakasal na ito pagsapit ng 24 years old.
Sa pakikipag-usap sa mga fans sa pamamagitan ng fan communication app ng NewJeans, inihayag ni Hanni ang pagnanais niyang ikasal sa ganitong edad.
Ipinaliwanag niya ang mga personal na dahilan kung bakit gusto niyang maikasal agad, kasabay ng pagkikwento ng istorya ng kanyang mga magulang.
Dagdag pa ni Hanni, ang kanyang mga magulang umano ay ikinasal noong sila ay 24 years old.
Pabiro pang sinabi ng NewJeans member na mayroon na lamang siyang apat na taon bago ikasal.
Natuwa naman ang mga fans sa mga sinabing ito ni Hanni at sinabi ng mga ito na may mga taong nais magpakasal dahil nakita mismo ng mga ito sa kanilang magulang kung paano ang magandang relasyon at pagmamahalan.
Dahil dito ay marami na rin sa mga netizens ang nagpahayag ng pagnanais na maikasal din sila sa mga ganitong taon. RNT/JGC