Home METRO Delivery rider byaheng kulungan sa P.6M tobats

Delivery rider byaheng kulungan sa P.6M tobats

MANILA, Philippines – Direcho kulungan ang isang delivery rider matapos maaresto ng pulisya at nakuhanan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Taguig ngayong Miyerkoles, Hulyo 10.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Jr, 22, na tinaguriang high value individual ng Taguig Police. Siya ay naaresto sa Santos Street sa Barangay New Lower Bicutan.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Taguig Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 11 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000 at isang genuine na P1,000 bill bukod pa sa P5,000 na boodle money na ginamit. bilang buy-bust money.

Ayon sa pulisya, kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). RNT