Home NATIONWIDE Delivery rider, patay sa pamamaril sa harap ng bahay

Delivery rider, patay sa pamamaril sa harap ng bahay

1
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Blanko pa rin ang Cauayan Component City Police Station sa imbestigasyon matapos pagbabarilin ang isang delivery rider sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Union, Cauayan City, Isabela, nitong gabi ng Sabado, Oktubre 3.

Isang 42-anyos na lalaki ang biktima, isang delivery rider na residente ng nasabing lugar.

Napag-alaman, umuwi ang biktima sa kanilang tahanan upang sanay kunin ang kaniyang motorsiklo para sumama sa kaniyang mga kaibigan sa poblacion nang hintuan ng ilang hindi pa nakikilalang kalalakihan at pagbabarilin ito hanggang humandusay sa harap ng kanilang bahay.

Agad tumakas patungong Barangay Minanga, Naguilian, Isabela ang pinaniniwalaang riding in tandem criminal sa biktima.

Nagtamo ng mga tama ng hindi pa mabatid na uri ng baril na bala sa ulo at dibdib ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Inaasahan ng mga mamamayan at publiko na sanay ang kapulisan ng Cauayan City ay nakatutok sa ano man krimen ngunit nalusutan sila ng riding in tandem criminal at hanggang ngayon ay blangko pa rin ang mga ito kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here