Home NATIONWIDE Delivery riders kumubra na ng P5,000 cash assistance

Delivery riders kumubra na ng P5,000 cash assistance

137
0

MANILA, Philippines – Dumagsa ang mga delivery rider sa pamamahagi ng P5,000 cash assistance ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Umabot hanggang Antonio Villegas Street sa ilalim ng LRT ang pila ng mga rider na nagtungo sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila.

Ayon sa mga rider na matiyagang pumila, handa silang maghintay dahil mabilis naman ang proseso ng pagkuha ng cash assistance at tuluy-tuloy ang pagpasok ng mga benepisyaryo.

Gayunman, dinagsa rin ang help desk dahil may ilang rider na hindi nakasama ang pangalan sa master list na hawak ng Department of Social Welfare and Development.

Hindi naman tulad noong nakaraang araw para sa mga jeepney driver, tinulungan ang mga rider ng mga kinatawan ng transport network company.

Ginawa ito upang agad silang makapagparehistro sa listahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ma-verify ng DSWD, para makahabol at makatanggap ng ayuda. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here