Home NATIONWIDE MM subway mamadaliin na; P44 bilyong pondo inilabas ni Marcos

MM subway mamadaliin na; P44 bilyong pondo inilabas ni Marcos

129
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P44.17 bilyon upang mapabilis ang implementasyon ng Metro Manila Subway Project Phase I at ng North-South Commuter Railway System.

Ipinagkaloob ang naturang pondo sa Department of Transportation matapos aprobahan ni Department of Budget and Management Acting Secretary Rolando Toledo ang dalawang Special Allotment Release Orders noong Marso 23, ayon sa DBM nitong Miyerkules.

Sinabi ng DBM na gagamitin ang inaprubahang pondo para matugunan ang critical loan proceeds requirements upang manatiling nasa iskedyul ang konstruksyon at mapanatili ang momentum ng mga proyekto.

Magmumula ang P44.17 bilyon sa Unprogrammed Appropriations sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, partikular sa Support to Foreign-Assisted Projects.

Sa kabuuang halaga, tinatayang P21.28 bilyon ang ilalaan para sa NSCR System at MMSP Phase I na pinopondohan sa ilalim ng financing ng Japan International Cooperation Agency, habang ang natitirang P22.88 bilyon ay gagamitin para sa NSCR System sa ilalim ng loan agreement nito sa Asian Development Bank.

Kapag natapos, inaasahang magpapababa ng travel time ang MMSP at NSCR, magpapaluwag ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing corridor, at magbibigay ng mas ligtas at mas episyenteng biyahe para sa milyun-milyong araw-araw na commuter.

Ayon kay Toledo, ipinapakita ng pagpapalabas ng pondo ang pangako ng administrasyon na gawing agarang benepisyo sa publiko ang mga infrastructure investment.

“These are projects that Filipinos have waited decades for,” aniya. “We are making sure that funding is not the bottleneck — so these projects can move faster and deliver real relief to commuters.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here