Home ENTERTAINMENT Demandang rape vs Roque, tinawag na kabalbalan!

Demandang rape vs Roque, tinawag na kabalbalan!

Manila, Philippines – Diretsong binansagang kuwentong kabalbalan ni Cristy Fermin ang ikinasong rape laban kay Pandi, Bulacan mayor at CineKo Productions owner na si Enrico Roque.

Ito’y base na rin sa bineripikang report ng barangay tanod executive officer na si Luisito de Guzman nitong December 19.

Non-existent ang umano’y nagreklamong si Mikaela Mariano na may address sa Langit Road, Bagong Silang, Caloocan City.

Also, no such address exists.

Maging ang sinasabing bahay na pag-aari ni Roque sa nasabing syudad ay walang katotohanan.

Sina Roque at Cristy ay matagal nang magkaibigan.

Kalabisan ngang sabihin na kilalang-kilala ni Cristy ang matulunging alkalde na mahal ng kanyang mga nasasakupan sa Pandi.

Obyus na politically motivated ang panggigipit kay Roque na kilalang-kilalang “landslider” sa tuwing magkakaroon ng halalan.

“Isang malaking kuwento ng kabalbalan!” deklara ni Cristy sa kanyang radio program.

Kinailangan nga namang gawan ng imbentong kuwento si Roque bilang desperate move ng kanyang mga katunggali sa pulitika.

Angkop nga ang madalas nating sabihin na: “It’s harder to build oneself up!” kung kaya’t paninira ang ipinupukol nito kay Roque.

Sa ngayon, nagsampa na ng motion to quash si Roque.

Si Roque ay ang may-ari ng CineKo Productions.

Isa ang kanyang kumpanya sa tatlong nagprodyus ng Espantaho, isa sa sampung opisyal na kalahok sa ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival ngayong taong ito. Ronnie Carrasco III