MANILA, Philippines- Nabawasan na offshore earthquakes sa Ilocos Sur kasunod ng peak nitong Dec. 19 hanggang 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo.
Sinabi ng Phivolcs na sinimulan nitong i-monitor ang serye ng mga lindol sa Manila Trench offshore ng Santa Catalina, Ilocos Sur, noong Dec. 17. Mula noon, naging madalang na ang pagyanig sa nakalipas na dalawang araw.
Hanggang alas-8 ng gabi nitong Linggo, iniulat ng Phivolcs na nagresulta ito 178 naitalang lindol, 62 sa mga ito ang natukoy sa hindi bababa sa tatlong seismic stations.
Dalawa lamang sa mga pagyanig ang naramdaman ng mga residente.
Dagdag ng Phivolcs, pumapalo ang magnitudes mula 1.8 hanggang 5.0, at may lalim sa pagitan ng 1 at 80 kilometers.
Anang ahensya, base sa modelo, ang worst-case scenario ay magkaroon ng 8.4-magnitude na lindol sakaling kumilos ang buong MT2.
Sakaling magkaroon ng tsunami, posibleng umabot ang first wave sa Palauig, Zambales sa loob ng dalawang minuto, habang ang pinakamataas na alon ay maaaring umabot sa 14.7 metro sa Vigan City, sa loob ng apat na minuto.
Subalit, sinabi ng Phivolcs na imposibleng matukoy ang eksaktong oras ng lindol o tsunami.
Pinapayuhan ang mga residente na maging alaerto sa mga senyales ng local tsunami: malakas na lindol (shake), biglang pagbabago sa sea level (drop), at hindi pangkaraniwang tunog mula sa dagat (roar).
Sakaling maobserbahan ang mga senyales na ito, sinabi ng Phivolcs na agad na lumikas sa mas mataas na lugar o palayo sa dagat. RNT/SA