Home SPORTS DeMarcus Cousins, Valientes kampeon sa  The Asian Tournament

DeMarcus Cousins, Valientes kampeon sa  The Asian Tournament

ZAMBOANGA – Nalusutan ng Zamboanga Valientes ang maagang kamalasan  bago ibuhos ang init laban sa Macau Black Bears para sa 81-65 panalo at maiuwi ang kampeonato sa The Asian Tournament grand finals noong Sabado ng gabi.

Nanguna ang four-time NBA All-Star DeMarcus Cousins sa huling third quarter run, bago kinuha ng import na si Rickey Brice ang huling yugto para habulin  ng Valientes ang 11 puntos na kalamangan ng Macau.

Dalawang back-to-back slam ni Brice ang nagbigay sa Valientes ng kanilang unang malaking kalamangan, 71-55, sa kalagitnaan ng fourth, hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon para sa buong crowd sa Zamboanga Coliseum.

Nagtapos si Cousins na may halos triple double na 21 puntos, 13 rebounds, at walong assist, habang nagtapos si Brice na may team-high na 25 puntos at 10 rebounds para lumabas bilang Finals MVP.

Kontrolado ng Bears ang Valientes sa opening half sa likod ng three-point shooting nina Tyrone Nesby IV, Damian Chong Qui at Mohamed Kone. Naiwan ang home team ng kasing dami ng 39-28 bago sina Cousins, Mike Tolomia, at Brice ay nag-rally pabalik sa Valientes at nasa likod lamang sa 41-39 sa break.

Naiwan pa rin ang Valientes sa kaagahan ng ikatlo bago nagsanib sina Cousins at Brice sa 12-2 run para makakuha ng anim na puntos na abante patungo sa huling quarter.

Hindi na lumingon ang home team pagkatapos noon at ibinulsa na ang panalo.JC