Home NATIONWIDE Dengue cases sa Pinas bumaba ng 11%  

Dengue cases sa Pinas bumaba ng 11%  

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang 11 porsyentong pagbaba ng kaso ng dengue sa bansa mula Jan. 14 hanggang 27.

Batay sa DOH data, mayroong 7,434 kaso sa nasabing period, kumpara sa 8,368 kaso mula Jan. 1 hanggang 13.

Anito pa, hanggang nitong Feb. 23, patuloy ang pagbaba ng dengue cases mula Jan. 28 hanggang Feb. 10, kung saan 5,267 kaso lamang ang naitala.

Subalit, binanggit ng DOH na maaari pang magbago ang mga bilang na ito dahil sa potensyal na delayed consultations at pag-uulat.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso sa bansa, naobserbahan sa Northern Mindanao at Caraga regions ang pagtaas ng dengue cases mula Jan. 14 hanggang 27, kumpara sa nakalipas na dalawang linggo mula Jan. 1 hanggang 13, sa 1,384 at 715 bagong kaso.

Gayundin, mula Jan. 1 hanggang Feb. 10, may kabuuang 67 pagkasawi ang naiulat, na nagresulta sa case fatality rate (CFR) na 0.32 porsyento para sa taong 2024.

Patuloy ang pagbibigay-diin ng DOH sa kahalagahan ng pagiging alerto at pagtalima sa preventive measures. RNT/SA

Previous articleJoshua, walang kasamang kamag-anak sa condo; Ipe, inaabangan ang pagdalaw!
Next articleReclamation project ‘di magdudulot ng malawakang pagbaha sa Kalakhang Maynila – PRA